Showing posts with label jologs. Show all posts
Showing posts with label jologs. Show all posts

Monday, February 11, 2008

Catch Me, I'm Falling!

*Tagalog Mode... Akala niyo kung anong entry, no?!?! haha.*



Tuwang-tuwa ako nang makita ko ang isa sa aking idolo sa kanyang kauna-unahang major concert. Matagal naming inabangan ng aking pinakamatalik na kaibigan ang kanyang pagningning sa entablado ng ALIW theater noong Sabado. Disyembre pa lamang ay nakaplano na ang aming pagpunta! Wala kaming pakialam kung magkano abutin ang ticket, pero dahil kakampi namin ang tadhana, napalaran kami ng grasya at nabiyayaan ng libreng tickets... sa 4th row pa! Aba, VIP?!?! :)


Simula pa lamang ng palabas ay nakakatindig-balahibo na. Akalain mo ba naman, naka-harness ang aming idolo! Nakakatakot, baka mahulog nga talaga siya. Baka mapasigaw siya, "Catch me, I'm falling for you!" Haha corny.
Bigay na bigay si Toni! Ibang lebel! Sayaw dito, sayaw doon, rampa dito rampa doon, at shempre, birit dito, birit doon! Hay nako, nakakaloka. Pero in fairness, ang seksi seksi ni Toni. Ang ganda talaga niya. Gwapo rin kasi ang isa niyang special guest, si Sam Milby. Bakit kasi hindi pa sila nagkatuluyan?!?!?! Pero ok lang, mas gwapo rin naman si Direk Paul... haha.


At feel na feel rin ng mga mananayaw ni Toni! Nakakatawa sila tingnan. Hindi nagpapatalo sa bituin, nag-harness rin sa ibang sayaw. Haha.


Pero shempre, pinakapaborito namin ang huling kanta ni Toni. Kilig na kilig ako nang marinig ko ang intro pa lang ng kanta. Hindi ko mailagay sa salita ang tibok ng aking puso nang itinugtog ang "Catch Me"... At shempre, dahil chismosa ang lola niyo, sabay tingin ako sa gilid dahil nandun si Direk Paul. Halatang halata na kilig na kilig rin siya! Wow! Damang-dama ko ang kakiligan ni Direk! hahaha. :-)



But seriously (English mode), the concert was unexpectedly good. Toni is so underrated. She can match the voice of the champions! Actually a lot better than the champions, considering that she is a total performer-- can sing, dance, act, and even host! She truly deserved this big night. Congrats, Toni G.! :-)



*Watch out for my photos and video on my Multiply! :)

Sunday, July 29, 2007

Ang Cashier sa Topshop at si Papa Dennis

Isusulat ko ang pangyayaring ito sa sarili nating wika dahil kay Dennis Trillo. Ang gwapo niya at napakakinis pa! Sayang nga lang, kapuso siya, kaya hindi ko mashado siya nakikita sa telebisyon.... Pero hindi naman tungkol dito ang kwento ko, pero tungkol ito sa nangyari sa akin sa Topshop sa harap ni Papa Dennis. :)

May nakita akong magandang t-shirt sa Topsh0p at binili ko ito (sabi rin kasi ni itoy sa akin kyut daw ako pag suot ko yun, kilig naman ang lola niyo hehe). Akala ko swerte na ako dahil nakabili ako ng magandang t-shirt, pero mas sinuwerte pa pala ako nang magkasunod kami sa linya ni Papa Dennis. Binayaran ko ang binili ko gamit ang aking ATM. Ok naman ang lahat, pero nang i-swayp (swipe mga tsong) ng cashier ang aking kard, ito ay hindi tinanggap at ini-reject. Hindi tinanggap ang aking kard dahil patay ata ang sistema ng BPI. Wala naman talagang problema ang mga ganitong pangyayari, dahil alam kong nangyayari naman talaga ito. Ang hindi ko matanggap ay ang mga nabitawang salita ng cashier sa akin sa harap ni Dennis Trillo: "Ahh, sigurado ka bang may pera ang ATM mo? Baka naman wala." Nang marinig ko ang mga salitang ito, gusto kong batukan ang cashier. Hindi nakakatawa ang sinabi niya. Hindi naman ako tanga para gamitin ang ATM ko kung walang laman, di ba? Napaka ?!?!?%^&*&$%$^^(.... At nangyari ang lahat ng ito sa harap ni Dennis Trillo. Nakakahiya. Pasalamat at nandiyan si Itoy para pahiramin ako ng pera pansamantala.....

Pero hindi dito nagtatapos ang kwento ko. Nang kumuha ako ng pera sa ATM kaninang hapon, nagtaka ako kung bakit kumonti ang aking pera. Yun pala, pumasok ang transaksyon sa Topshop sa aking ATM kahapon. At dahil dito, kinailangan kong pumunta sa Topshop para i-report ito, kaya pinuntahan ko nalang ang Topshop sa mall na ito (ibang branch kasi ung napagbilihan ko) at kinuwento ang nangyari sa akin (pati ang lintik na cashier na yan). Buti na lang mabait ang manager sa Topshop branch na ito, binigyan pa ako ng libreng imbitasyon para sa sale nila ngayong Biyernes (eh wala na akong pambili dahil sa pagkakamali nila! haha!) at naaksyunan agad ang nangyari sa akin.

Haaayyy... Sana hindi ito mangyari sa inyo. Nakakaloka! haha =)